MANILA, Philippines – Isang buntis na nurse ang mapalad na tumama ng P46 milyon sa 6/42 lotto draw noong Nov. 11, ayon kay PCSO Acting Chairman Jose Ferdinand Rojas II.
Kinumbra ng nurse na mula sa Cavite City ang kanyang premyong P46,288,040.00 sa PCSO head office matapos tamaan ang kombinasyong 02-09-15-20-21-30 sa 6/42 lotto draw noong Nov. 11.
Sinabi ng 24-anyos na buntis na ginang kay GM Rojas, ang kanyang panalo ay ilalaan nito sa pagnenegosyo.
First time lamang na tumaya ng lotto ng buntis na nurse kung saan ay mula lamang sa kanilang electric bill, birthdate nilang mag-asawa at wedding anniversary ang kanyang tinayaan na nagkakahalaga ng P40.00.Ayon kay GM Rojas, naging lucky charm ng 24-anyos na nurse ang pagiging buntis nito.
Pinayuhan pa ni Rojas ang latest millionaire ng PCSO na huwag sayangin ang ibinigay na pagkakataon dito at huwag maging ‘one day millionaire’ bagkus ay ilaan sa kanilang kinabukasan ang tinamaan sa lotto at gamitin para sa pagnenegosyo at pagtulong sa kanilang kapwa. Kinubra kamakailan ng nurse ang kanyang premyo sa PCSO head office sa Mandaluyong.