^

Bansa

1st time tumaya buntis nalo ng P46-M sa PCSO lotto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang buntis na nurse ang mapalad na tumama ng P46 milyon sa 6/42 lotto draw noong Nov. 11, ayon kay PCSO Acting Chairman Jose Ferdinand Rojas II.

Kinumbra ng nurse na mula sa Cavite City ang kanyang premyong P46,288,040.00 sa PCSO head office matapos tamaan ang kombinasyong 02-09-15-20-21-30 sa 6/42 lotto draw noong Nov. 11.

Sinabi ng 24-anyos na buntis na ginang kay GM Rojas, ang kanyang panalo ay ilalaan nito sa pagnenegosyo.

First time lamang na tumaya ng lotto ng buntis na nurse kung saan ay mula lamang sa kanilang electric bill, birthdate nilang mag-asawa at wedding anniversary ang kanyang tinayaan na nagkakahalaga ng P40.00.Ayon kay GM Rojas, naging lucky charm ng 24-anyos na nurse ang pagiging buntis nito.

Pinayuhan pa ni Rojas ang latest millionaire ng PCSO na huwag sayangin ang ibinigay na pagkakataon dito at huwag maging ‘one day millionaire’ bagkus ay ilaan sa kanilang kinabukasan ang tinamaan sa lotto at gamitin para sa pagnenegosyo at pagtulong sa kanilang kapwa. Kinubra kamakailan ng nurse ang kanyang premyo sa PCSO head office sa Mandalu­yong.

ACTING CHAIRMAN JOSE FERDINAND ROJAS

AYON

CAVITE CITY

ISANG

KINUBRA

KINUMBRA

MANDALU

PINAYUHAN

ROJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with