Biktima ng hit-and-run

MANILA, Philippines - Tinatawagan ang mga pamilya at kamag-anak ng isang lalaki na biktima ng hit-and-run. Tinatayang nasa 45 hanggang 50 anyos ang biktima, may taas na 5’5”, payat at huling nakitang nakasuot ng pink na t-shirt at maong pants. Na-hit and run ang biktima ng isang  kotseng sedan noong Setyembre 15, 2014 sa panulukan ng Mindanao at Regalado Ave., Bgy. Greater Lagro. Sinuman ang nakakakilala sa kanya ay maaaring makipag-ugnayan kay PO3 Rabindranath Sierra ng QC District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 2 sa telepono  # 9357503.

Show comments