MANILA, Philippines - Nanahimik ang bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Sa latest monitoring sa bulkan, naitala ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi ito kinakitaan ng anumang volcanic quakes at walang namataang crater glow.
Wala ring pagluwa ng puting usok mula sa bunganga ng bulkan dahilan sa makapal na ulap na bumabalot sa crater ng Mayon.
Mahina din ang pag-akyat ng magma sa bunganga ng naturang bulkan.
Nakapagtala naman ng pagluwa ng asupre ng bulkan ng may 106 tonelada kada araw at may mababang gas content.
Nanatili namang nasa alert level 3 ang bulkan at patuloy pa ring pinagbabawalan ang sinuman na makapasok sa loob ng 6 kilometer danger zone. (Angie dela Cruz)