^

Bansa

‘Lagayan’ sa bidding ng PCOS pinangangambahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nangangamoy “lagayan” na naman sa bidding ng karagdagang 23,000 PCOS machine units na gagamitin sa 2016 elections.

Ito ang binigyan-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz matapos lumilitaw sa mga balita na kasali ang Smartmatic sa mga bumili ng bid documents mula sa Comelec para sa higit P2-bilyong kontrata ng supply ng Optical Mark Recorder (OMR) na mas kilala bilang PCOS machines.

Ipinagtataka umano ni Cruz, kung paano nakasaling muli ang Smartmatic sa bidding gayong tambak pa ang mga protesta sa bilangan nuong nakaraang eleksyon. “Im sorry, smartmatic is the last entity I will trust as far as elections are concerned,” dagdag niya.

Naniniwala si Cruz na dapat managot ang mga opis­yal ng Smartmatic at Comelec sa matinding pagdududa sa dalawang nagdaang halalan. Ang Smartmatic ang nagbenta sa Comelec ng PCOS machines na ginamit noong 2010 at 2013 elections.

Kabilang ito sa limang bumili ng bidding documents para sa karagdagang PCOS at mahigit 400 Direct Recording Electronic (DRE) machines para sa 2016 elections.

Nauna nang nagbabala ang isang election watchdog laban sa madayang bidding para sa pagbili ng P2-bilyong halaga ng karagdagang voting machines para sa 2016 polls.

“That can happen. That can very well happen,” ani Gus Lagman ng AES Watch bilang pagtukoy sa bidding ng Comelec para sa lease ng  23,000 Optical Mark Reader (OMR) or Optical Scan (OP-Scan) systems na nagsimula nuong isang linggo.

Si Lagman at ang kanyang gupo na AES Watch ay kabilang sa mga naghahamon sa Comelec na i-blacklist ang Smartmatic sa anumang gawain na may kinalaman sa 2016 elections.

Kailan lamang ay binuo ng samahan ng IT experts at cause oriented groups ang Citizens for Clean and Cre­dible Elections (C3E) upang bantayan ang halalan laban sa sinasabing  “electronic manipulation” ng botohan kabilang na rito ang napipintong partisipasyon ng Smartmatic sa papalapit na electoral exercise.

 

ANG SMARTMATIC

CLEAN AND CRE

COMELEC

CRUZ

DIRECT RECORDING ELECTRONIC

GUS LAGMAN

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with