^

Bansa

Mga guro mangangaroling sa Palasyo, dagdag suweldo hihiritin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang mangaroling bukas ang mga guro sa Malacañang para humirit ng dagdag na suweldo kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Benjo Basas, opisyal ng Teachers Dignity Coalition (TDC), idadaan nila sa mga awiting pamasko ang kanilang kahilingan na umento sa suweldo na mula sa P18,000 ay gawing P25,000 alinsunod na rin sa Magna Carta for Public School Teachers at Salary Standardization Law.

Aniya, ready na ang tambol, gitara at iba pang instrumento na kanilang gagamitin sa kanilang pa­ngangaroling.

Sinabi ni Basas, pipilitin nilang makapasok sa loob ng Palasyo ng Malacañang pero kung sila ay pipigilin ng mga awtoridad ay sa paanan na lamang ng Mendiola magsasagawa ng ibat-ibang programa, kasama ang iba pang organisasyon ng mga guro sa bansa.

Sa panig naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sinabi ni Benjie Valbuena na bigo ang administrasyong Aquino sa kanilang karaingan at kahilingan sa dagdag na benepisyo kaya sila magdaraos ng malaking kilos protesta.

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

BENJIE VALBUENA

BENJO BASAS

MAGNA CARTA

MALACA

PANGULONG AQUINO

PUBLIC SCHOOL TEACHERS

SALARY STANDARDIZATION LAW

TEACHERS DIGNITY COALITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with