^

Bansa

Atienza kay Lacson: P6.5 B pondo sa Tacloban ipaliwanag

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na manisi ng iba dapat na si Secretary Rehab Czar Panfilo Lacson na ang nagpaliwanag kung saan napunta ang P6.5 billion na dapat sana ay para sa Tacloban City na matin­ding tinamaan ng supertyphoon Yolanda.

Ito ang reaksyon ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza, matapos sabihin ni Lacson na isang “liar” o sinungaling si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Giit ni Atienza, dapat idinugtong nito ang paliwanag kung ano na ang nangyari sa pondong pantulong sana sa mga biktima ng trahedya dahil unfair umano ang akusasyon ni Lacson kay Romualdez, at higit sa mga taga-Tacloban City na walang nakita o naramdamang anumang uri ng assistance mula sa National Government mula nang tamaan sila ng Yolanda.

Hamon ni Atienza kay Lacson, i-account nito ang P6.5 Billion dahil mismong si Mayor Romualdez na ang nagsabing hindi dumaan ang pondo sa local government.

Sa simula pa lang ay dapat ipinaubaya na ng National Government sa LGU’s ang paggamit sa pondo dahil ito ang nakakaalam kung saan dapat ito ilaan.

Dahil kapag nagkaroon umano ng problema tulad ng kabiguang mai-account ng LGU ang pondo, ay walang ibang sisisihin kundi ang mga lokal na opisyal at maiiwasan na rin na  magkaroon ng turuan sakaling magkahanapan ng pondo tulad ng nangyayari ngayon.

ATIENZA

LACSON

LITO ATIENZA

MAYOR ROMUALDEZ

NATIONAL GOVERNMENT

SECRETARY REHAB CZAR PANFILO LACSON

TACLOBAN CITY

TACLOBAN CITY MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with