4 volcanic quakes naitala sa Mayon
MANILA, Philippines – Apat na volcanic quakes ang naitala sa bukana ng bulkang Mayon sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology kahapon.
Base sa alas-8 ng umagang update ng Phivolcs, napuna rin ang ilang mahinang paglabas ng puting usok.
Nanatili namang unstable ang Mayon dahil sa mahina subalit nanatiling depormasyon sa itaas nito sanhi ng magma sa pangalawang ibabaw nito, simula ng manahimik ito ngayong taon.
Nanatili sa alert level 3 ang Mayon na nangangahulugang may potensyal pa itong magbuga ng magma at patuloy na pumapasok paitaas ng bulkan.
- Latest