Utak ng Maguindanao massacre pinayagang magpa-ospital

MANILA, Philippines - Pinayagan ng korte ang utak umano sa Maguindanao massacre na magpagamot sa ospital dahil sa mga iniinda nitong sakit.

Inatasan ni QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis- Reyes  ang pamunuan ng Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig  na dalhin si da­ting Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., 74 anyos,  sa Taguig-Pateros District Hospital para doon magpatingin sa doktor.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Ampatuan Sr. na dumadanas ng pagsakit ng dibdib nito at panginginig ng katawan nito. Inatasan din ng korte ang mga jail personnel na sundin ang batas at patakaran sa pagdadala sa naturang pagamutan kay Andal Sr.

 

Show comments