Sa kasong plunder Drilon payag sa probe
MANILA, Philippines - Siniguro ni Senate President Franklin Drilon na hindi niya haharangin ang anumang imbestigasyon na gagawin kaugnay sa akusasyon laban sa kanya kaugnay ng Iloilo Convention Center.
Tiniyak naman ni Sen. TG Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na iimbestigahan nito si Sen. Drilon kaugnay sa pagpapatayo ng diumano’y overpriced na Iloilo Convention Center (ICC).
“The Senate Blue Ribbon Committee will formally investigate the alleged overpricing in the construction of the Iloilo Convention Center (ICC) and other issues related to it,” ani Guingona.
Ayon kay Guingona, ang imbestigasyon laban kay Drilon ay bahagi rin ng Senate Resolution No. 906 na inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Idinagdag ni Guingona na ang imbestigasyon ay gagawin sa sandaling makumpleto ang kinakailangang paghahanda.
“The Blue Ribbon Committee shall commence the investigation as soon as initial preparations have been completed,” wika pa ni Guingona pero wala pang petsa kung kailan ang imbestigasyon.
Hinamon rin ni Drilon ang mga nag-aakusa sa kanya na maglabas ng ebidensiya na magpapatunay na nakinabang siya sa sinasabing overpriced na ICC.
- Latest