MANILA, Philippines - Pormal nang manunumpa ngayong araw (Nov. 4) ang mga bagong opisyal ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa pamumuno ng kanilang bagong pangulo na si BCP Ellen Fernando Gamotea, reporter ng Pilipino Star Ngayon.
Ayon kay RCMP Past President Raul “Jun” de Vera, magsisilbing Guest of Honor and Speaker sa ika-13 Handover at 14th Induction of Officers ng RCMP na gaganapin ng alas-6 ng gabi ngayong Martes sa Bulwagang Plaridel-National Press Club sa Intramuros, Manila si Congressman Leopoldo Bataoil, ng 2nd District ng Pangasinan at Inducting Officer si Rotary International District 3810 Governor Edmond Aguilar habang ang charging sa mga bagong opisyal at miyembro ay isasagawa nina District Governor-Elect Roberto “Obet” Pagdanganan at PDG Ernie Choa, habang magbibigay ng mensahe si PDG at RCMP Charter President Tranquil Salvador III.
Ipapasa ni outgoing RCMP President Mildred Ranon ang club gavel kay incoming Pres. Ellen sa nasabing handover program.
Kasama ni BCP Ellen (Club President ng RY 2014-2015) na mamunumpa sa tungkulin sina PE Ronilda Reluya (Secretary), PP Jun De Vera (Treasurer), Ryan Fortaleza (Auditor), Sgt. at Arms sina P/Supt Boyet Balagtas, Alex Yanquiling, Glenn Huerto, Paul Tucay at Randy Hormillosa. Ang mga director/committee chairs ay sina Lea Botones at Ediboy Quizada (Club Service Projects), Gabby Mabutas (Public Relations), Arnel Felix at Boanerjes Hara (Club Admin), PP Philip Edquiban at PP Carmz Sumatra (The Rotary Foundation), Ishiyama Yasuhiro at Hideaki Tanahashi (International Service), Janrey Arellano (New Generations), Dr. Melisa Hernandez (Community Service) at Annalyn Baylon (Vocational Service).
Kasabay nito, manunumpa rin ang mga opisyal ng dalawang Rotaract Clubs (NAIA at Adriatico, Manila) na pinamumunuan nina RAC-BCPs Nina Vasquez at Nicole Gamotea. Magsisilbing inducting officer ng RAC oathtaking si Winston Ongchinke.