MANILA, Philippines – Kukuwestiyunin sa Korte Suprema ng mga miyembro ng oposisyon sa Kamara ang ipinasang P2.606 trilyon na 2015 National budget matapos itong pumasa sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo. Sinabi ni Buhay partylist Lito Atienza, miyembro ng Minority bloc, na makikipag-ugnayan siya sa kanyang mga kasamahan na pareho ang pananaw gayundin sa Philippine Constitutional Assembly (Philconsa)para mapag-aralan ang mga hakbang na maaaring gawin. Para naman kay Act partylist Rep. Antonio Tinio, miyembro ng Makabayan bloc, na isa sa pag-aaralan nila bago pumanhik sa Korte Suprema ang proseso sa pagpapasa ng 2015 General Appropriation Act.