^

Bansa

Design proposal sa ‘rest house’ ni Binay, peke

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng arkitektong si Rodolfo Bongato ang deklarasyon ni Mercado na siya umano ang nagdisenyo ng isang rest house sa isang farm estate sa Rosario na sinasabing pag-aari ng pamilya Binay.

Sinabi ni Bongato na pineke ang kanyang pirma sa sinasabing design proposal ng naturang rest house.

Napaulat na ang nakasulat na proposal na isinumite umano ni Bongato sa JCB Farms noong Setyembre 10, 1997 ay iprinisinta ni Mercado sa pagdinig sa Senado.

Sa isang affidavit na petsang Oktubre 30, nilinaw ni Bongato na hindi siya kailanman nagsumite ng naturang proposal at halatang merong pandadaya dahil malayo sa tunay niyang pirma ang lagda sa itaas ng kanyang pangalan.

“I have never designed a rest house for JCB Farms in Rosario, Batangas or in any other location. The signature over my printed name as appearing in the proposal is not mine. It is a clear FORGERY as I have never signed the same,” ani Bongato.

Binigyang-diin ni Bongato sa kanyang affidavit na ang halaga ng nasabing proposal ay hindi normal na presyo na kanyang sinisingil para sa kabuuang serbisyo nito sa pagdedesensyo ng isang buong proyekto.

Si Bongato ang president ng Rodolfo Roque Bongato Architects, dating Rodolfo Roque Bongato & Associates. Miyembro siya ng United Architects of the Philippines.

BATANGAS

BINAY

BINIGYANG

BONGATO

MERCADO

RODOLFO BONGATO

RODOLFO ROQUE BONGATO

RODOLFO ROQUE BONGATO ARCHITECTS

SI BONGATO

UNITED ARCHITECTS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with