Atty. Roque pinadi-disbar ng AFP

MANILA, Philippines - Pinapa-disbar ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) sa Integra­ted Bar of the Philippines (IBP) si Atty. Harry Roque dahil sa inasal ng grupo nito sa Camp Aguinaldo noong Oktubre 22.

Ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc, ikinokonsidera na ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagsasampa ng disbarment case laban kay Roque sa IBP.

Si Roque, ang legal counsel ng pamilya ng  Pinoy transgender Jeffrey “Jennifer “ Laude na pinaslang umano ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton noong Oktub­re 11 sa Olongapo City.

Noong Oktubre 22 ay nagawang malusutan ng kampo ni Laude ang mga guwardiya sa Gate 6 ng Camp Aguinaldo matapos umakyat sa bakod at pinagsisigawan at ipinagtulakan ang guwardiya ditong si T/Sgt. Mariano Pamittan.

Show comments