Ex-DOH Juan Flavier pumanaw na

MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na si dating Health secretary at Sen. Juan Flavier ngayong Huwebes dahil sa pneumonia sa edad na 79.

Nakilala si Flavier sa pinakaunang kampanya ng bansa laban sa HIV, kung saan hinimok ang publiko na gumamit ng contraceptives.

Naitalaga bilang kalihim si Flavier noong 1992 ng administrasyong Ramos, bago manalo bilang senador noong 1995.

Muling tumakbo at nanalo si Flavier noong 2001 at natapos ang kanyang termino noong 2007.

Ilan sa mga batas na ginawa niya ay ang Anti-Money Laundering Law, Poverty Alleviation Law, Clean Air Act at Traditional Medicine Law.

Show comments