Bacoor pupil lalaban sa Int’l Quiz Bee

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni Bacoor City Mayor Strike Revilla na ang grade 6 pupil mula sa kanilang lungsod na nanalo sa regional level ang magi­ging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Science Quiz Bee sa Indonesia sa susunod na buwan.

Ang grade 6 pupil mula sa San Nicolas 1 Elementary School na si Denniel Llagas ang magiging pambato ng Pilipinas sa gagana­ping Science Quiz Bee sa Indonesia sa darating na Nov. 9-11.

Pinarangalan ni Ma­yor Strike Revilla si Llagas matapos magwagi sa DepEd regional Science Congress kamakailan at magiging kinatawan ng Pilipinas sa Indonesia.

Buong pagmamalaki din si Mayor Strike dahil bukod kay Llagas ay nakuha din ng Bacoor City School division ang 2nd overall championship sa regional Science Congress na ginanap sa Tagaytay City.

Nagwagi din ng 1st place ang pambato ng Bacoor sa ibat ibang kategorya sa nasabing regional congress.

Show comments