MANILA, Philippines – Maghaharap sina Manny Pacquiao a Chris Algieri sa isang welterweight match sa susunod na buwan ngunit mas magaan ng bahagya dahil sa catchweight na pinilit ng Filipino boxing icon, ayon sa undefeated American boxer.
Sinabi ni Algieri kay Ben Thompson ng Fight Hype na nais talaga niyang makatunggali si Pacquiao sa 147 pounds, ngunit iginiit ng eight-division champion na sa catchweight na lamang maglaban para sa kanilang bakbakan sa Nobyembre 23 sa Macau.
“I think that was painfully evident that I am the bigger man even though we're fighting in technically his weight class," wika ng Amerikano.
"In fact, I wanted the fight to be at 147. I wanted to fight for a true welterweight title. The catchweight was on their side 100 percent.”
Sinabi pa ni Algieri na wala namang siyang magagawa dahil hindi naman siya ang masusunod sa pag-aayos ng laban.
"I'm a boxing purist. I wanted to fight for a welterweight title at 147 pounds because that's what a welterweight is. They would not budge on that.”
Hawak ni Algieri ang WBO light welterweight champion title. Lamang siya sa height laban kay Pacquiao, ngunit hindi na ito bago para sa Pilipino na ilang beses nang sumabak sa mas malalaking katunggali.