2015 nat’l budget iaakyat sa SC

MANILA, Philippines - Nagbanta si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa liderato ng Kamara na dudulog sa Korte Suprema kapag naipasa ngayong linggo ang 2015 National Budget ng walang malinaw na usapan sa plenaryo.

Tanong ni Colmenares, paano nila maipapasa ang budget kung hindi naman ipinapakita sa kanilang mga mambabatas ang errata.

Ito ay dahil sa nakatanggap umano sila ng balita na ang errata ay hindi lang basta typographical errors suba­lit substantive at nakalinya sa plano ng Malakanyang na baguhin ang kahulugan ng savings upang maging legal ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Bukod dito nakatanggap din umano ng ulat si Colmenares na ang pambansang budget ay bloated kahit na hindi alam kung saan mapupunta ang pondo.

Dahil dito kaya banta ng kongresista, iaakyat nila ang isyu sa Korte Suprema kapag ipinilit ng liderato ng Kamara na ipasa ang 2015 national budget ngayong linggo bago mag-Undas break ang Kamara.

 

Show comments