^

Bansa

Pagbuga ng asupre ng Mayon humina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang naisusukang asupre ng bulkang Mayon na umaabot na lamang sa 50 tonelada kada araw, sobrang liit kung ikukumpara sa nagdaang 250 toneleda ng asupre.

Ito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay bahagi pa rin ng patuloy na pag-iipon ng lakas ng naturang bulkan para sa isang pagsabog. Sa nakalipas na 24 oras, ang bulkan ay nakapagtala din ng 3 rock fall events, bahagyang pag­lalabas ng puting usok mula sa bunganga.

May namataan namang crater glow sa nakalipas na magdamag at patuloy na ground deformation sa  bulkan. Patuloy namang nasa Alert Level 3 ang Mayon na nangangahulugan ng pagkakaroon ng magma sa crater.

Patuloy ding ipinaiiral ang 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan at 7-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa may timog silangang bahagi nito. (Angie dela Cruz)

ALERT LEVEL

ANGIE

BUMABA

CRUZ

EXTENDED DANGER ZONE

MAYON

PATULOY

PERMANENT DANGER ZONE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with