^

Bansa

‘Hindi akin ang Hacienda Binay’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabigo kahapon ang negosyanteng sinasabing “dummy” ni Vice Pres. Jejomar Binay na kumbinsihin ang Senate Blue Ribbon sub-committee na siya ang may-ari ng 350 ektarya ng lupain sa Rosario, Batangas na tinatawag na “Hacienda Binay”.

Ayon kay Antonio Tiu, presidente ng Sunchamp Real Estate and Development Corp., wala siyang mga titulo at dokumento na magpapatunay na kumpanya niya ang nagmamay-ari ng kontrobersyal na Hacienda Binay.

Inamin ni Tiu na ang kumpanya niyang Sunchamp ay bumili lamang ng karapatan (usufruct) mula kay Laureano Gregorio para magamit ang Hacienda Binay bilang Agro-Tourism Park.

Kabaligtaran ito ng sinasabi ng Pangalawang Pangulo sa kanyang mga pahayag na si Tiu na ang nagmamay-ari ng Hacienda Binay matapos na ibenta ni Binay ang kanyang interes sa Agrifortuna Inc.

Ang Agrifortuna Inc. ang kumpanya na itinayo ni Binay taong 1994 para magpatakbo ng negos­yong babuyan (piggery business) habang nanunungkulan bilang Mayor ng Makati.

Sa masusing pagtatanong ni Sen. Alan Peter Cayetano, inamin ni Tiu na nasa P11 milyon pa lamang ang kanyang naibabayad para  sa P446 mil­yong halaga ng property.

Bahagi umano ito ng P446 milyon na kaila­ngan niyang bayaran para mailipat sa kanya ang pagmamay-ari ng kontrobersyal na asyenda sa Batangas.

Kinuwestiyon ng mga senador kung bakit pinapalabas ni Tiu sa mga interview nito sa media na siya na ang may-ari ng nasabing property sa Batangas.

Napilitan ding umamin si Tiu na kailangan pa niyang mangumbinsi ng ilang mamumuhunan para mabuo ang Sunchamp dahil matagal nang nalulugi ang mga itinayo niyang kumpanya.

Nauna nang ibinulgar sa Senado ni dating Makati Mayor Ernesto Mercado na si Binay ang tunay na may-ari ng Agrifina Corp.

Nasa loob ng hacienda ang isang air-conditioned na babuyan (piggery), hardin ng mga bulaklak na pambenta (flower orchard) at alagaan ng manok pana­bong (cock farm).

Matatagpuan din sa loob ng hacienda ang dalawang mansyon, man-made lagoon at swimming pool.

Magkakasya sa nasabing lupain ang anim na Rizal Park sa Maynila at 14 na Quezon Memorial Circle.

AGRIFINA CORP

AGRIFORTUNA INC

AGRO-TOURISM PARK

ALAN PETER CAYETANO

ANG AGRIFORTUNA INC

ANTONIO TIU

BATANGAS

BINAY

HACIENDA BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with