MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang naunang dismissal order nito laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan nito sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.
Ayon kay SC spokesperson Atty. Theodore Te, ibinasura ang motion for reconsideration ni Ong na humihingi na baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya sa serbisyo.
Sa nasabing desisyon, walang matatanggap na anumang benepisyo mula sa gobyerno maliban sa kanyang mga accrued leave benefits at hindi na maaring magtrabaho sa gobyerno.
Lumabas sa pag-iimbestiga na nakatanggap ng malaking halaga si Ong mula kay Napoles kapalit ng pag-absuwelto dito sa kasong kinakaharap kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 500 Kevlar Helmets para sa Philippine Marines noong 1998.
Si Ong ang nagsilbing Chairman ng Sandiganbayan 4th division.