MANILA, Philippines – Nasa 40,000 estudyante mula sa iba’t ibang pampublikong high school sa Quezon City ang lumahok sa “Indakan ng mga Estudyante sa QC” kahapon.
Target ng lungsod na makuha ang Guinness World Record para sa pinakamaraming lumahok sa isang street dance gamit ang bilao bilang props.
Pinuno ng mga estudyante ang northbound lane ng G. Araneta Avenue mula sa kanto ng Quezon Ave. hanggang sa Victory Ave. sa Brgy. Tatalon.
Nagmartsa ang mga estudyante sa Quezon Ave. patungong Roces Ave. hanggang sa Amoranto Stadium.
Ang “Indakan ng mga Estudyante sa QC” ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng diamond jubilee o pang-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.