^

Bansa

Custody ng US Marine sa transgender slay hihingin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hihilingin ng Pilipinas sa Amerika na mai­lipat ang kustodiya sa US Marine na suspek sa pagpaslang sa Pinoy transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer na natagpuang patay sa isang lodging house sa Olongapo City.

Nakilala ang suspek na si Pfc. Joseph Scott Pemberton, miyembro ng US Marine at naka-assign sa 2nd battalion ng 9th Marines na lulan ng USS Peleliu na nakadaong sa Subic.

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Sonny Coloma sa ilalim ng Vi­siting Forces Agreement (VFA) ang sinumang US servicemen na lumabag sa batas ng Pilipinas ay makakasuhan at isasai­lalim sa jurisdiction ng Pilipinas pero ang custody nito ay mananatili sa US government.

Sa ilalim din ng VFA ay puwedeng hilingin ng Pilipinas ang custody ng suspect na US serviceman na may nilabag na batas.

Tiniyak ni Coloma na walang mangyayaring whitewash sa krimen.

Ayon naman kay DFA Spokesperson Charles Jose, oras na masampahan na ng kaso ang US Marine, susubukan ng Pilipinas na makuha ang kustodiya rito.

Pinigil namang ma­kaalis ang barko sa Pilipinas kung saan nakasakay si Scott kasabay ang paniniguro ng US Embassy ng kanilang kooperasyon sa isinasagawang im­bestigasyon sa pagpatay sa transgender.

Mismong si US Ambassador Philip Goldberg ang naniguro na makikipagtulungan sila sa gobyerno sa imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng pagpaslang sa transgender kasabay ang pagpapahatid ng pakikiramay sa pamilya ni Laude.

AMBASSADOR PHILIP GOLDBERG

AMERIKA

FORCES AGREEMENT

JEFFREY LAUDE

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

OLONGAPO CITY

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON SONNY COLOMA

SPOKESPERSON CHARLES JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with