'Stop Nognog 2016' pakana ni Mar - UNA

MANILA, Philippines - Si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang nasa likod ng paninira kay Bise-Presidente Jejomar Binay, ayon sa United Nationalist Alliance (UNA).

Sinabi ni UNA secretary-general JV Bautista na si Roxas ang nasa likos ng "Oplan SN16" na ibig sabihin ay "Stop Nognog 2016" o ang paninira sa kandidatura ni Binay sa pagkapangulo.

"These things that we are hearing in the [Senate Blue Ribbon] Sub-comittee [hearing], these are all part of a conspiracy. This is a well-funded, well-financed, well-organized conspiracy, the principal aim of which is to destroy the chances of Vice Pesident Binay to become the next president in 2016," wika ni Bautista sa isang panayam sa telebisyon.

"This conspiracy goes all the way up only to Mar Roxas," dagdag niya na sinabi pang alam din ni Pangulong Benigno Aquino III ang plano laban kay Binay.

Aniya pinopondohan ang paninira kay Binay nina Buddy Zamora at Eric Gutierrez na silang nagpahiram ng helicopter upang makuhaan ang umano'y hacienda ni Binay sa Rosario, Batangas.

"Buddy Zamora is the one spending for all of these (conspiracy)," sabi ni Bautista.

"We have long suspected that Mar Roxas is behind this demolition job. But now, we have something more solid to hold on to, this flight plan."

Sinabi pa ni Bautista na kasabwat din ni Roxas si Sen. Alan Cayetano, isa sa mga senador na nangangasiwa sa  Senate Blue Ribbon Sub-committee na nag iimbestiga sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building.

Dagdag niya na isang Dexter Estacio na tauhan ni Cayetano ang nakasakay sa helicopter nang umikot sa "Hacienda Binay."

"He works in the Taguig City Hall. He is a graphic artist of Alan Peter Cayetano... He was probably the one who was making all of these graphic illustrations (of the Batangas property)," pahayag ni Bautista.

"The enemy of my enemy is my friend. The target of these people is to try to destroy the chances of the Vice President to become the next President in 2016. So what they are doing is they are cooperating. This is something tactical."

Kapwa inihayag nina Binat at Cayetano ang kanilang planong pagtakbo sa pinakamataas na puwesto sa bansa sa 2016.

Show comments