Color coded na plaka binabalak
MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang colorum vehicles at out of line na mga pampasaherong sasakyan, gustong maipatupad ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang color coding sa lahat ng uri ng pampasaherong sasakyan. Sa isang panayam, sinabi ni Engr. Ronaldo Corpuz, board member ng LTFRB, na mas mainam na magkaroon ng sariling kulay ang bawat uri ng passenger vehicles upang makatulong din itong makaiwas sa problema sa trapik sa mga lansangan sa Metro Manila bukod sa makakaiwas sa colorum at out of line. “Di ba naipatutupad natin ang uniform sa mga driver ng mga passenger vehicles? Kung puti sa taxi kelangan puti ang kanilang plaka, kung green sa AUV kelangan green ang kanilang plaka, kung asul ang uniform ng driver ng jeep kelangan asul din ang plaka nila at dilaw naman sa mga bus,” pahayag ni Corpuz.
- Latest