MANILA, Philippines – Kinumpirma ngayong Martes ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat na may limang Pilipinong nasawi sa isang aksidente sa Qatar.
Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, tatlo sa mga nasawi ay magkakamag-anak na mula ng Qatar, habang ang dalawa ay mula sa Saudi Arabia
Naunang inulat ng Gulf Times na nasunog pa ang bangkay ng mga biktima nang magliyab ang sasakyan matapos mabangga ng isa pang sasakyan sa Hamad International Airport kahapon.
"The bodies have so badly been burnt that even the gender of the deceased could not be verified. Forensic examination would be required to identify the victims," nakasaad sa ulat ng Gulf Times.