MANILA, Philippines – Hindi mahalaga ang performance at trust ratings ni Bise-Presidente Jejomar Binay, ayon sa kanyang kampo ngayong Martes.
Sinabi ng tagapagsalit ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla na ang mahalaga sa kanila ay ang ratings ni Binay para sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2016.
"It doesn't really bother us. Again, what are important to us are the preferential ratings for who will they vote for in 2016," komento ni Remulla sa inilabas na ratings ng Pulse Asia sa trabaho ni Binay bilang pangalawang pinakamataas na na opisyal ng bansa.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia ay bumaba ng 15-percentage point ang ratings ni Binay bilang Bise-Presidente.
"The approval ratings are a point of interest but the preferential ratings are what really concern us."
Aniya mayroon silang sariling survey kung saan mayroon silang "tremendous lead over any challenger" sa 2016 presidential race.
Ayon sa kanilang sariling poll, mayroong 60 porsiyento ng mga boto si Binay, habang 27 lamang si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.