MANILA, Philippines - Magsasagawa ngayong umaga ng ocular inspection ang Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship sa International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) sa North Harbor, Port of Manila upang makita kung ano ang nagiging ugat ng problema ng port congestion.
Ayon sa tanggapan ni Sen. Bam Aquino, chairman ng komite, gagawin ang inspeksiyon dakong alas-10 ngayong umaga.
Dalawang resolusyon ang nakahain sa Senado kung saan pina-iimbestigahan ang nakakaalarma na umanong “disturbance” sa operasyon ng mga lokal na negosyo ng mga importers at exporters dahil sa sobrang congestion sa Ports of Manila.
Kabilang sa naghain ng resolusyon si Senator Francis Escudero na nagsabing nakaapekto ng malaki sa “flow of goods” ang pagsisikip ng mga daungan sa bansa partikular ang North Harbor.