‘Neneng’ pumasok na sa PAR

MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng.

Taglay ni Neneng ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.

Si Neneng ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, na hindi naman magdudulot ng anumang pinsala ang naturang bagyo dahil dadaan lamang ito sa ating bansa at saka lalabas din ngayong Sabado ng umaga. Inaasahan naman na makaranas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila dahil sa epekto ng habagat.

Show comments