Phl peacekeepers pinarangalan sa katapangan vs Syrian rebels
MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ng medalya ng karangalan ang Pinoy peacekeepers na nagpamalas ng kagitingan sa pakikipagbakbakan sa Syrian rebels sa Golan Heights noong Agosto.
Ang 344 Pinoy troops ay bahagi ng 7th Philippine Contingent na binigyan ng hero’s welcome sa Malacañang at Camp Aguinaldo matapos na bumalik na sa bansa noong Setyembre 19 at 21.
Nag-ugat ang standoff matapos tumangging sumuko ang Pinoy troops at ibigay sa Syrian rebels ang kanilang mga armas sa kabila ng kautusan ng naduwag na si UNDOF Commander Iqbal Singh Singha noong Agosto 28-30.
Naisagawa naman ang greatest escape ng Phl peacekeepers na nakabantay sa Position 68 doon noong Agosto 31 pasado ala-1 ng madaling araw.
Binigyan ng Distinguished Service Medal si UNDOF Chief of staff Col. Ezra James Enriquez at Contingent Commander Lt. Col. Ted Damusmog.
Pinagkalooban naman ng Gold Cross Medal sina Capt. Nilo Ramones, namuno sa ‘greatest escape’; 2/Lt. Larry Endozo, MSgt. Wilson Lagmay, Sgt. Alwin Cuyos, SSg. Leonardo Aboy, Staff Sgt. Andy Mejos, Staff Sgt. Ramil Bobiles at Corporal Joneve Acolicol na naka-deploy sa Position 68.
Excited naman ang mga Pinoy peacekeepers sa bagong mission na iniatang sa kanila ng AFP at ito ang pagbibigay seguridad kay Pope Francis sa Enero 2015.
Ayon kay Contingent Commander Damusmog, magiging kakaiba at isang malaking hamon ang bagong misyon sa pag-secure sa Santo Papa.
Si Damusmog ang magsisilbing pinuno ng security force na hahawak sa seguridad ng Santo Papa.
- Latest