Gadgets na nais ni Reyes, inisnab ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Inisnab ng Sandiganbayan ang request ni  Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na makagamit ng laptop, printer at wifi sa loob ng selda nito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon sa Sandiganbayan 3rd division, kulang sa merito o walang sapat na dahilan para pagbigyan ang hirit ni Reyes.

Si Reyes ay kapwa akusado ni Enrile sa mga kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Sinasabi ni Reyes na nais niya na magkaroon ng naturang mga gadget sa loob ng kanyang selda para makatulong sa pagbusisi sa kanyang kaso.

Alinsunod sa batas, walang sinumang inmate ang pinahihintulutan na magkaroon ng naturang mga gamit.

Show comments