Grace Poe puwede manalong VP sa 2016 - survey

MANILA, Philippines – Nangunguna si Senador Grace Poe sa listahan ng maaaring tumakbo sa pagka-bise presidente para sa paparating na 2016 elections.

Ayo sa survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 31 percent rating si Poe mula sa 11 kataong pumasok sa listahan.

Lamang na lamang si Poe sa lahat ng lugar sa bansa (29 hanggnag 36 percent), maging sa bawat socioeconomic group (30 hanggang 31 percent).

Nasa ikalawang pwesto naman si Senador Francis Escudero na may 19 percent, habang sumunod si Senador Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 9 percent.

Isinagawa ang survey nitong Setyembre 8 hanggang 15, kung saan 1,200 respondents ang kinailangan mula sa iba't ibang parte ng bansa.

Samantala, nasa pang-apat na pwesto naman si Poe sa listahan ng pagkapangulo, kung saan si Bise-Presidente Jejomar Binay naman ang nangunguna.

Mayroong 31 percent si Binay, habang 13, 11, 10 percent naman sina Mar Roxas, Miriam Defensor-Santiago at Poe, ayon sa pagkakasunod.

Show comments