MANILA, Philippines — Binulabog ng mga aktibista ang isang forum na dinaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III sa Colombia University sa New York.
Sinasagot ni Aquino ang mga katanungan tungkol sa extrajudicial killings sa Pilipinas nang umeksena ang isang lalaking aktibista.
"It's a slap on the face of the Filipino people for you to stand there and talk about that a killing is a killing," pahayag ng lalaki.
Sinundan ito ng pagsigaw din ng aktibistang babae.
"There are more questions coming from the Filipino people that aren't being answered. There are so many things that are happening," she said. "I looked up to your mother. I am a Filipino woman and I saw her as a hero, a modern day hero. And what do you do? You want a Charter change to extend your presidency?"
"Now I see the realities of what your family has done. I have been to Hacienda Luisita," dagdag niya.
Habang pinapalabas ay nagsisisigaw pa ang babae ng “No justice! No peace! Stop the killings in the Philippines!"
Nanatiling kalmado si Aquino sa kabila nang eksena at itinuloy pa rin ang pagsagot sa katanungan.