Gunman ni Enzo pinakakasuhan ng murder ng DOJ

PO2 Edgar Angel assigned to Pasay City was arrested as the suspected gunman who killed international race car driver Enzo Pastor on June 12. STAR/file

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng murder ang umano’y gunman na si PO2 Edgar Angel hinggil sa pagpatay sa international car racer champion na si Enzo Pastor sa kabila ng pagbaliktad nito sa kaniyang testimoniya.

Sa 7 pahinang resolusyon ni Assistant State Pro­secutor Susan Villanueva, nakasaad dito na tatlong magkakaibang testimonya ang ibinigay ni Angel kabilang ang kanyang extra-judicial confession sa harap mismo ng isang abogado ng Integrated Bar of the Philippines; na sinundan naman ng kanyang television interview na nagpapatibay ng kanyang  confession at ang kanyang pagbaligtad sa  kanyang testimonya.

Ayon kay Villanueva, makikita lamang kung totoo ang sinasabi ni Angel sa mismong paglilitis na at hindi sa preliminary investigation.

Paliwanag ni Villanueva, ang pagtanggap ni Angel ng P50,000 bilang bayad at resibo ng motorsiklo at baril gayundin ang kanyang  madalas na pagkikipag-usap sa umano’y mastermind na si Domingo de Guzman ay indikasyon na plinano nito na patayin si Pastor.

Una ng inamin ni Angel na inutusan siya ni de Guzman na patayin si Pastor.

Kamakailan lamang pansamantalang nakalaya si de Guzman matapos magbayad ng piyansa sa korte.

Ikinatuwa naman ng pamilya Pastor ang na­ging rekomendasyon ng DOJ na kasuhan ng murder si PO2 Angel. Kumbinsido ang pamilya na ito ang pumatay kay Enzo.

Ibinasura naman ng DOJ ang kasong frustrated murder laban kay Angel dahil sa pagkakasugat ng helper ni Pastor na si Paolo Salazar dahil sa kawalan ng medical certificate.

 

Show comments