^

Bansa

1,829 puno sa Pangasinan puputulin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

SISON, Pangasinan, Philippines  - Hindi na mahahadlangan ng local government ng lalawigan ang pagputol ng puno sa kahabaan ng Manila North Road para sa road wide­ning project matapos payagan ang pagputol ng puno sa ilalim ng Pangasinan Environment Code of 2012.

Ang road widening sa Manila North Road ay mula sa Rosales, Villasis, Urdaneta City, Binalonan, Pozzorubio hanggang Sison kung saan ay 1,829 na puno ang puputulin.

Tutol ang Sangguniang Panlalawigan gayundin si Gov. Amado Espino Jr. sa pagputol sa mga puno dahil katuwang daw siya sa pagtatanim ng mga ito noong boy scout pa siya.

Pero noong July 2012 ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Environment Code na aprubado din ni Gov. Espino ang pagputol sa mga puno sa mga national roads kung ito ay sagabal.

“For national roads, a ten-meter from the center line should be free from obstructions and tree planting activities within the ten meter setback and tree plan­ting is not  allowed. It shall also include the removal of existing trees and  structures affected by road wide­ning  within the right of way,” nakasaad sa inaprub na environment code.

Iginiit naman ni dating 5th District Rep. Mark Cojuangco na walang dahilan upang mag-isyu pa ng panibagong permit ang DENR sa pagputol ng mga puno sa highway dahil maliwanag na aprubado naman ito ng environment code ng lalawgan.

“It looks like the provincial officials are contradicting themselves. They passed and approved a Code which allows cutting of trees along the national roads, and now they are saying they are against cutting of trees,” wika pa ni Rep. Cojuangco kamakalawa.

Aniya, ipaglalaban niya ang proyektong road wide­ning na para sa progreso ng lalawigan pero nilinaw na walang katotohanan ang akusasyon ni Espino na siya ay anti-trees dahil siya mismo ang nagsulong ng pagtatanim ng mga puno na hindi magiging sagabal sa kalsada.

Aniya, ang kanyang ama na si dating Ambassador Eduardo Cojuangco Jr. at kanyang ina na si Gretchen ay nagtanim ng 6,000 na acacia tree noong 1960’s bago pa man maging uso ang tree planting.

AMADO ESPINO JR.

AMBASSADOR EDUARDO COJUANGCO JR.

ANIYA

DISTRICT REP

ENVIRONMENT CODE

MANILA NORTH ROAD

MARK COJUANGCO

PANGASINAN ENVIRONMENT CODE

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with