Purisima isasailalim din sa lifestyle check
MANILA, Philippines – Pabor ang Malacañang na isailalim din sa lifestyle check ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si PNP director-general Alan Purisima hindi lamang ang mga pangkaraniwang pulis.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi lamang ang mga PNP officers na nasangkot sa robbery at kidnapping incidents kamakailan ang dapat sumailalim sa lifestyle check kundi ang lahat ng PNP.
“I suppose everybody should support call of DILG Sec. Mar Roxas to look at lifestyle of PNP,” sabi ni Lacierda.
May panawagan na maging si Purisima ay dapat sumailalim sa lifestyle check matapos akusahan ito ng pagkakaroon ng multi-milyong halaga ng mansion sa Camp Crame at iba pang ari-arian.
- Latest