MANILA, Philippines - Matapos magkaroon ng technical problem ay balik na sa normal ang produksiyon ng mga pasaporte.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sisikapin nilang maayos sa darating na tatlo hanggang apat na linggo ang problema sa pag-iisyu ng mga pasaporte kung saan bukas sila maging sa holidays at weekends upang matiyak na masosolusyunan ang production backlogs.
Humingi naman ng paumanhin ang DFA sa publiko dahil sa pagkaantala ng pagpapalabas nila ng pasaporte at sa pasakit na idinudulot nito sa mga passport applicants.