MANILA, Philippines - Maaari nang makapasok ng libre ang publiko sa mga museo at iba pang historical sa bansa.
Sa House bill 4757 na inihain ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, isa sa pangunahing dahilan kaya nawawalan ng interes ang mga Filipino na bumisita sa mga museums at historical landmarks ay dahil sa karagdagang gastos dito.
Giit ni Ridon mahalaga para sa mga Filipino na mabigyan ng libreng access dito upang magkaroon pa sila ng mas malalim na kaalaman tungkol sa history ng bansa.
Inaatasan ng nasabing panukala o ang Free Access to Museums Act of 2014, ang National Commission for Culture and the Arts na magpalabas ng kaukulang rules and regulations para maging epektibo ang implementasyon nito.
Tinatayang mayroong 300 museums at 22 historical shrines sa buong bansa kung saan nakalagay dito ang Filipino artifacts, memorable events at iba pang bagay na may kinalaman sa history ng bansa.