^

Bansa

Mga museo libre na sa publiko

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang makapasok ng libre ang publiko sa mga museo at iba pang historical sa bansa.

Sa House bill 4757 na inihain ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, isa sa panguna­hing dahilan kaya nawawalan ng interes ang mga Filipino na bumisita sa mga museums at historical landmarks ay dahil sa karagdagang  gastos dito.

Giit ni Ridon mahalaga para sa mga Filipino na mabigyan ng libreng access dito upang magkaroon pa sila ng mas malalim na kaalaman tungkol sa history ng bansa.

Inaatasan ng nasabing panukala o ang Free Access to Museums Act of 2014, ang National Commission for Culture and the Arts  na magpalabas ng kaukulang rules and regulations para maging epektibo ang implementasyon nito.

Tinatayang mayroong 300 museums at 22 historical shrines sa buong bansa kung saan nakalagay dito ang Filipino artifacts, memorable events at iba pang bagay na may kinalaman sa history ng bansa.

 

CULTURE AND THE ARTS

FREE ACCESS

GIIT

INAATASAN

KABATAAN

MUSEUMS ACT

NATIONAL COMMISSION

SA HOUSE

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with