7 pampabyuti mataas ang mercury

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Food and Drug Administration ang paggamit ng pitong cosmetic products na mataas ang mercury level.

Sa advisory ni FDA head Kenneth Hartigan-Go, kabilang sa mga produkto na nadiskubreng mataas ang mercury content ay ang Feique Herbal Extract Chinese Herbal Formula; Whitening Anti-Freckle Set Anti-Melanin Anti-Freckle Whitening (2 in 1), Jiaoli Huichusu Intensive Whitening Suns creen and Spots Removing Set; Mifton; BG Ginseng & Ganoderma Lucidum Natural Essence; BG Sea Pearl & Papaya Natural Essence 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream; Jiaoli Herbs Essence Whitening AB Set at Golden Pearl Beauty Cream.

Inatasan na ni Hartigan-Go ang mga tauhan nito na magsagawa ng pagkumpiska at imbentaryo sa mga nagbebenta ng nasabing mga produkto.

Show comments