Mercado pasok na sa WPP ng DOJ

MANILA, Philippines - Pasok na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado matapos ang testimonya sa overpriced umanong Makati City Hall Building 2.

Bukod kay Mercado isinailalim din sa WPP sina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso na magugunitang naghain ng reklamong plunder laban kina Vice President Jejomar Binay at anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maaaring bigyan ng pansamantalang tirahan ang tatlong whistleblowers kung nanaisin din ng mga ito.

Hinggil naman sa posibleng kasong kaharapin ni Mercado matapos umaming nakinabang sa proyekto ng lungsod, sinabi ni de Lima na maaari itong humirit ng immunity sa Ombudsman.

Matatandaang ang Senado ang nagrekomendang isailalim sa WPP ang mga whistleblower matapos isiwalat ang umano’y katiwalian ng mga Binay.

 

Show comments