Monsoon trough magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines -- Asahan ang maulang Miyerkules dahil sa pag-iral ng monsoon trough sa Luzon, ayon sa state weather bureau.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng maulap na papawirin ang Metro Manila, the Regions of Cordillera, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Romblon and Quezon) at Mindoro Provinces na mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan na may pagkulog at kidlat.

Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang kalangitan ng nalalabing bahagi ng bansa na may pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi.

Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA ngunit tatlo o apat na bagyo ang inaasahan nilang papasok sa bansa ngayong buwan.
 

Show comments