QC drive vs depresyon

MANILA, Philippines – Gusto ni Quezon City Councilor Karl Castelo na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa counseling ang mga health workers sa syudad para maharap nila ang mga mahihirap na pasyente na may depresyon.

Sa kanyang panukalang ordinansa, naniniwala si Castelo na maraming mamama­yan sa lungsod partikular ang mga naninirahan sa mga mahihirap na komunidad ang may sakit na depresyon.

Ayon kay Karl, ang mga barangay health center ang pinakamalapit na matatakbuhan ng mga mamamayan na may karamdaman dahil malapit ito sa kanilang mga tahanan.

Ang kawalan ng naturang counseling sa mga barangay ang dahilan kung napipilitan ang mga mahihirap na may depresyon na tumungo sa mga pagamutan o kumunsulta sa mga pribadong doctor na kadalasang sumisingil ng mahal kaya naman ipinagpapaliban na lamang nila ang pagpapagamot.

“But with the presence of health workers trained to provide counseling, poor patients can get the needed treatment and possibly get well,” sabi ni Castelo.

Base anya sa mga pag-aaral, maaaring humantong sa kamatayan ang depres­yon ng isang pasyente kung hindi ito nagpapagamot kabilang na ang pagsasa­ilalim sa tamang counseling. Aniya, marami na ang nagpa­kamatay nang dahil sa de­pres­yon at isa na rito ang sikat na Hollywood perso­nality na si Robin Williams.

Show comments