Bangsamoro Law ipapasa na sa Kongreso – PNoy

MANILA, Philippines – Ipapasa na sa Kongreso sa kamakalawa ang balangkas na bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL), ayon mismo kay Pangulong Benigno Aquino III.

Kinupirma ito ni Aquino ngayong Lunes sa kanyang pagdalo sa pagpupulong ng Philippine Business for Social Progress at paglulunsad ng Mindanao Inclusive Agribusiness Program sa Davao City.

Nauna nang naiulat na gagawin ang pagpasa ng BBL sa Malacañang ganap na alas-10 ng umaga, kung saan dadaluhan ito ng pinuno ng dalawang kapulungan na sina Senate President Franklin Drilon at Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Layunin ng panukala na bumuo ng Bangsamoro region na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nakapaloob din sa kasunduan ang hatian sa kapangyarihan at kayaman sa pagitan ng gobyerno at oro Islamic Liberation Front (MILF).

Nitong Marso nagkasundo ang gobyerno at MILF kung saan nawakasan ang matagal nang kaguluhan sa Mindanao.

 

Show comments