^

Bansa

Reporting requirement binira ng ACT solon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang panghihimasok ng Malakanyang sa fiscal independence ng mga kapantay nitong sangay tulad ng Kongreso, Hudikatura at maging mga constitutional bodies tulad ng Commission on Elections.

Sa briefing para sa panukalang 2015 budget,  idiniin ni Tinio na obligado ang Comelec na i-report sa Office of the President kung paano ginamit ng komisyon ang P144 mil­yong budget nito para sa mga nakabakanteng posisyon. Ganito rin anya sa kaso ng ibang co-equal branches ng Ehekutibo tulad ng korte at Kongreso, Commission on Audit at iba pang constitutional bodies.

“Inoobligahan ng Presi­dente ang mga ahensi­yang ito na pawang fiscally independent na i-report sa kanya kung paano nila ginasta ang pondong ito,” sabi pa ni Tinio. “Pero kanino naman nagrereport ang Presidente kung paano ginasta ng kanyang departamento ang sarili nitong pondo? Ang panukala niyang badyet ay walang kahalintulad na reporting requirement para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund, isang P118 billion lump sum na nasa ilalim ng kontrol ng Department of Budget and Management.”

Ang MPFB na isang pondo na gastusin ng sangay ng ehekutibo ay nauukol sa mga posisyon sa lahat ng sangay ng ehekutibo na bakante.

“Nilalagpasan na naman ng Presidente ang mga hangganang tinatakda ng Konstitusyon, sa kaso ngayon ay ang fiscal independence ng co-equal branches at constitutional bodies.  Fiscal dictatorship na naman ito at pagbabawas ng Presidente sa poder ng ibang independyenteng ahensya, gaya ng ginawa niyang paglalaro sa pambansang badyet sa pamamagitan ng DAP.

ANTONIO TINIO

BINATIKOS

COMELEC

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KONGRESO

MISCELLANEOUS PERSONNEL BENEFITS FUND

OFFICE OF THE PRESIDENT

TEACHERS REP

TINIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with