International school binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines - Naghari ang ten­syon sa mga estudyante ng isang international school dahil sa bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng text message mula sa hindi pa kilalang suspek, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Ayon kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr. , hepe ng Las Piñas City Police  alas-9:53 ng umaga nang makatanggap ng text messages  si Girlie Montillano, P.R. Marketing Assistant  ng Southville  International School and College  na nasa J. Angeline St.

“May bombang nakapasok, isa sa mga campus ninyo, sa star, Munich at Luxembourg ngayon,” ito ang nakasaad na text message.

Agad naman ipinagbigay-alam ni Mon­tillano sa kanilang head teachers­ na si Dr. Marjorie Tangog, Vice President for Academic ng Southville International School ang insidente at ipinagbigay-alam naman sa mga pulis.

Mabilis  namang nag­­­responde ang mga tauhan ng Explo­sive Ordnance Disposal at Special Wea­pons and Tactics Unit (EOD-SWAT) ng Las Piñas City Police.

Pinalabas mula sa mga silid-aralan at inilikas ang mga estud­yante sa covered court at sa gym saka isinagawa ang inspection  ng   dalawang oras.  

Show comments