International school binulabog ng bomb threat
MANILA, Philippines - Naghari ang tensyon sa mga estudyante ng isang international school dahil sa bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng text message mula sa hindi pa kilalang suspek, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Ayon kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr. , hepe ng Las Piñas City Police alas-9:53 ng umaga nang makatanggap ng text messages si Girlie Montillano, P.R. Marketing Assistant ng Southville International School and College na nasa J. Angeline St.
“May bombang nakapasok, isa sa mga campus ninyo, sa star, Munich at Luxembourg ngayon,” ito ang nakasaad na text message.
Agad naman ipinagbigay-alam ni Montillano sa kanilang head teachers na si Dr. Marjorie Tangog, Vice President for Academic ng Southville International School ang insidente at ipinagbigay-alam naman sa mga pulis.
Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal at Special Weapons and Tactics Unit (EOD-SWAT) ng Las Piñas City Police.
Pinalabas mula sa mga silid-aralan at inilikas ang mga estudyante sa covered court at sa gym saka isinagawa ang inspection ng dalawang oras.
- Latest