‘Jesse Robredo Day’ aprub sa Kamara
MANILA, Philippines - Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Agosto 18 bilang Jesse Robredo Day.
Kinikilala sa panukala ang natatanging serbisyo ng yumaong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko at kung paanong naging inspirasyon ito ng sambayanang Pilipino.
Kung maisabatas, magiging special working holiday ang Agosto 18 taun-taon.
Ang Department of Education ang naatasang magsagawa ng mga aktibidad bilang pagbibigay-pugay sa yumaong kalihim.
Matatandaan na Agosto 18, 2012 nang masawi si Robredo sa isang plane crash accident sa Masbate.
- Latest