115 Pinoy peacekeepers iku-quarantine vs Ebola
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi ligtas sa kanilang monitoring ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na babalik ng bansa mula sa West Africa na apektado ng Ebola epidemic.
Aabot sa 115 Filipino peacekeepers mula sa Liberia ang nakatakdang bumalik ng bansa sa mga susunod na linggo. Isasailalim ang mga ito sa 21-day quarantine sa loob ng barko o military camp sa sandaling dumating sa bansa.
Ayon kay DOH Asst. Sec. Enrique Tayag, ang planong quarantine sa mga peacekeepers ay upang matiyak na maayos pa rin ang mga pangangatawan nito at hindi nagkaroon ng nasabing sakit.
Aniya, kailangan na matiyak na 100 porsiyento na walang dalang virus ang sundalo pagdating sa bansa.
Posibleng hindi rin pabalikin ng bansa ang sinumang sundalo o OFW na may sintomas ng virus.
Kasalukuyang nagsasagawa ng 3-day regional forum kung paano maiiwasan ang Ebola na dinaluhan ng may 18 bansa mula Southeast Asia at European Union.
- Latest