Ika-7 sunod na oil price rollback ipinatupad

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis sa halaga ng petrolyo ngayong Martes.

Nagkaltas ng P.40 ang Petron, Shell, PTT, at Seaoil sa presyo kada litro ng gasolina at diesel kaninang 12:01 ng madaling araw.

Nag-rollback din ng P.50 kada litro ng kerosene ang Petron, Shell at Seaoil.

Samantala, P.50 kada litro naman ang ibinaba ng halaga ng gasolina, diesel at kerosene sa Eastern Petroleum.

Sumunod naman kaninang alas-6 ng umaga ang Phoenix Petroleum na nagbawas ng P.40 kada litro ng gasolina at diesel.

Ito na ang ikapitong sunod na price rollback sa halaga ng petrolyo mula Hulyo 15.

Show comments